Armand | 21 favorite number ko | Friendly naman, message ka and i'll sure to reply.. Follow and I can guarantee to follow you back.. syempre naaappreciate ko yung blogs nyo nu :) you can talk to me and hindi ako mauubusan ng sasabihin.. haha.. bata pa po ako.. mga 17 lang.. haha..
Hope you'll like my blog.. lahat yan gawa ko from the inspirations and depressions.. basta may mahugot na feelings.. ^_^
Thanks reader! :)
Catching Elephant is a theme by Andy Taylor
Magaling na holdupper..
Professional Scammer..
Expert na akyat bahay..
Sa sobrang galing nya nabiktima ako.. Oo biktima.. Ako mismo sumuko sakanya eh.. haha lol ^_^ grabe naman kasi mangumbinsi.. “PLeeaseeee..” gumamit pa nyan.. At alam ang kahinaan ko.. haha lol :D
Pero threat pa lang naman.. di pa daw ako gagawan ng masama.. may sched eh,. pero atleast nagpapaalam naman kung pwede na.. haha lol :D
*So Happy!! :”>
It DOES!!?? haha lol.. may money talaga!? haha.. kakatuwa nung nabasa ko to.. pero nope. not yet.. ^_^ haha lol
Ngaun ay special day para sa akin.. pero di lang naman ngaung May 21 mismo.. basta every month yan :”) Haha! alam nyo na yun..
Sobrang inlove ko na talaga at lalo pa akong naiinlove.. yung feeling na umaayon lahat sa gusto mo sa taong mahal mo.. Gets nyo? haha.. Ikaw ba naman pakitaan at iparamdam pa sayo ang sobrang sweetness eh ano kaya feeling nun.. haha :) :) may idea na nu..
Ou ganun nararamdaman ko.. sobrang inlove na ako, mamatay na nga sa kilig na nararamdaman eh.. diba kapag kinikilig parang napapa-iling ata yun, so ako magnitude 10.5 na.. haha head bangers na ako nun.. haha LOL! :D di naman.. basta masayang masaya.. :)
‘Wish to be this way always! haha :”>
So cool! mejo nababaliw pa ako dito.. keyboard namin yan and aksidente lang ang shot na yan.. pinatong ko kasi yung cam sa table ko tapos tnry kong pindutin yung shutter.. yun pala nakaMacro mode! Cool! ganda ng kinalabasan.. konteng edit na lang ng colors at yan na ang kinalabasan.. haha share ko :D
*Nilagyan ko ng watermark ko like my other photos.. Message me if you want a copy of it in high resolution and walang watermark.. haha namamangha lang ako sa nagawa ko : )
Sobrang saya ko ngayong araw na to..
Kahit sa almost 3 hrs mo lang makasama ang taong mahal mo, di mo rin basta-basta mararamdaman na bitin ito eh.. Masaya ng makita mo syang nakangiti dahil sayo at kasama mo sya.. :)
So sweet grabe! :”> yung kikiligin kang dahil ramdam mo ito at pinaparamdam pa niya ito sayo mismo :) Lalo akong naiinlove talaga, promise ^_^ haha.. ikaw ba naman ganito maramdaman eh, di ko maexplain yung feeling pero dumating na rin siguro o darating palang sa mga buhay nyo yan.. para sa akin simula pa lang naman ang lahat eh, more sweet at happy thoughts pa ang pagsasamahan namin :)
*Sobra akong masaya at kinikilig pa.. As in! : ) mas lalo akong naiinlove.. sana ganito na lang palage diba.. magkaDiabetes man ako.. haha :D lol
Nope! And may never will.. Haha.. There’s only one date that I’m always looking forward to.. <3 “Our Date!” : )
How I play with my cam:
-Take in Macro Mode
-Set to highest resolution available..
-Include all the details even the tiniest one :))
Share lang .. :)) - Babala.. long post :)
Strawberry plant yan.. Galing Baguio tapos binaba ko dito sa lugar namin, as in inExport ko from Baguio.. Haha :D
May story yan eh.. Para kasi sa isang napakaimportanteng tao yan.. Pero bago ang lahat nakapunta ako ng Baguio nyan hindi para magbakasyon.. School affair yan, pero sa lagay ko bakasyon na din.. haha :D
Nung papunta na ako dyan, may tinanong akong tao kung ano gusto nyang pasalubong.. anu sa tingin nyo sabe?.. Kahit ano!! .. haha kala nyo nirequest nya yung plant nu.. hinde :-P haha.. tapos sabe ko strawberry na lang, okay naman daw, sabay dugtong ko.. plant.. straberry plant.. :) natawa sya.. panu daw yun.. haha.. syempre paraparaan naman tayo.. so pinanindigan ko talaga at para mapatunayan ko din sarili ko sakanya diba.. 5 days kasi stay namin dun at yung 5th day extra time samen para officially na maglibot sa Baguio.. di ko naman alam kung saan kukuha nun.. tumawag ako sa Botanical Garden at sabe baka meron naman daw.. so gising ako ng umaga nung 5th day namen tapos labas ako, di na ako nakapagpaalam sa mga kasama kong teachers sa aga ko umalis.. sakay ako ng taxi, ehem! mura lang kasi dun.. haha.. tapos sabe ko sa Bot.Garden po.. Grabe layo na pala nun, pumasok na sa mismong city.. di na sya ganun kaganda kasi magulo na dun eh, di tulag ng pinagiistayan namin.. mejo peaceful at magubat pa.. haha.. pagpunta ko dun tanong agad ako sa mga nagtitinda.. sa aga ko yung iba sarado pa.. inikot ko yung buong garden at wala pa rin akong nahahanap.. mejo nakakawala ng pagasa pero nung nandun na ako sa dulo at huling tindahan ko pinagtanungan.. sabe meron daw, kaso punla pa lang. yung kakatubo pa lang.. as in maliit at nagiisa lang daw sya, nakalagay sa maliit na black bag tapos puro dahon na patay at madumi.. haha.. sabe sakin okay na daw ba to? sabe ko okay na yan, pwede naman daw pala sa mainit ang strawberry eh.. mura ku lang sya nabile tapos sabe nung nagtitinda project daw ba? haha kala ata taga dun ako eh.. pero alis na lang ako.. byahe na naman ng napakalayo pauwe, pagdating dun nakaempake na pala sila at paalis na..
Sa bus na.. nilagay sa baba ng bus yung bagahe ko tapos nasa loob yung halaman.. di ko alam baka masira yun dun so pinakuha ko bag ko at nilabas yung halaman tapos sinama ko na sya sa akin.. as sa buong byahe na mahigit 6 hrs ay hawak hawak ko sa kamay ko yun.. haha.. matulog man o hinde hawak ko pa rin :D tinitignan ku pa nga kung okay naman sya o hinde eh.. as in alaga ko talaga.. :D
Ganun talaga kapag mahal mo nu.. lahat gagawin mo.. with effort pa, right?.. haha :”)
HAha.. Inlove na inlove ngaun! :”>
Kasi naman sa kabila ng mga nangyari eto kasama pa rin yung taong mahal at hindi iniiwan.. ! haha kilig :) yung feeling na inaamin mo may pagkakamali ka at nasaktan mo yung tao.. pero alam nyo naman na hindi ito sinasadya at hindi naman ikaw nasakanya para saktan lang ito diba.. kaya ka nasa piling nya ay para iparamdam ang pagmamahal mo at ang iparamdam sakanya ang importansya niya sa iyo..
Lalo na kung may tiwala pa kayo sa isa’t-isa diba.. wala ng bagay na pipigil pa sa inyo.. harangan man kayo ng sibat! :D haha..
Para sa akin normal na masaktan kayo sa relasyon, ang importante lang ay wag hayaang maulit ito at siguraduhin na may natutunan naman ang bawat isa.. Sa huli, ang tiwala sa taong mahal mo na hindi na ito gagawin pa sa iyo muli ay sapat ng patunay ng pagmamahal nya sayo kahit nasaktan man ito :) syempre naman kung mahal mo ang tao wag mu na uulitin ang ginawa mo.. at hangga’t maari wag ka ng gumawa ng ikakasakit nito :)
Ngaun, Eto masaya! haha :D sobrang saya.. puno ng HAPPY at SWEET THOUGHTS ^_^ kasi naman mas naging strong ang pagsasama namin at mas naging panatag kami sa isa’t-isa.. Masaya akong ganito ang nangyare, ikaw ba naman mahalin ng taong mahal mo diba? haha :D
Sana ganito palagi.. Daanan man ng problema, sige daan lang! matibay tong mga to no! haha :)) sarap sa feeling..
‘To Infinity and Beyond! :D
Tanging sa iisang tao ku lang gustong babangitin at maririnig pangalan nya :”>
sa mga kapangalan nya.. itatawag ko sa inyo.. “oy!” di ko kayo papangalanan.. hahaha Lol :D
“American Maki” From Tokyo-Tokyo :)
May story yan eh.. kagabe kasi kumaen kame ng ate ko dun, tapos nakita ko yan mejo nagcrave ako kasi mukhang masarap.. may napanuod kasi akong show Sushi naman ginagawa nila.. so feeling ko masarap din.. Fish ang Sushi pero ito Pork or Beef ata.. Si ate unang sumubo.. masarap daw tapos tumatawa.. haha so ako naman kumain, nung kagat ko.. Yuck! haha.. di ko maintindihan.. naisip ko na magsauce.. una mejo masarap pero nung bandang mga lulunukin ko na.. parang ayaw pumasok.. haha :D
Tignan nyo yung pic.. *sa taas oh.. haha* Apat ang isang serving nyan.. yung may kagat sa ate ko.. di na nya inubos.. ako naman tong nagmalakas loob at sinubo ng buo yung isa at nilunok.. haha.. atleast experience diba.. Sushi kasi talaga gusto ko. kala ko naman masarap din yung Maki.. haha :D
Kuha yan sa bagong gawang kitchen top namin.. pabate lang :) haha :D
Share :D !
Haha.. diba kilig..
Kasi naman sobrang saya ko ng mga araw na to.. Puro sweet at happy thoughts.. At syempre.. may naAssure na ako.. haha Sweet! :))
Lalaking kinikilig ba? haha yung iba siguro tinatago pa yun.. pero ako proud kasi masaya naman talaga at masyadong maraming reasons para dun ^_^
Sana ganito palage.. haha :) nakakainspire eh..
Nagpagupit ako kanina.. Tapos sabe ng hairstylist ko:
(After ng konting ayos sa buhok ko) “Yan! pwede ka na magasawa nyan”
haha.. Bakit! Yung asawa ko ba pwede na? hahaha :D
Smile : )
You know who you are.. haha